Saturday, August 2, 2008

My Week Updates

-Monday-
Napakasayang araw dahil classes were suspended dahil kay Igme o sa SONA. Anyway, whatever the reason was..mahalaga na nawalan ng pasok.

-Tuesday-
Ang hirap sa pakiramdam na pumasok. Wala pa akong pahinga.

-Wednesday-
Walang nagbago. Tulad pa rin nang nangyari kahapon.

-Thursday-
Last day of the month na. Last day na nga, minalas pa'ko. Muntik nang maligo ako sa lakas ng ulan at lumangoy sa baha. At may bonus pang almost 3 hours na byahe dahil sa sobrang traffic. To the highest level talaga ang inis ko. Dapat kasi meron ng pier sa Lawton, kaylangan 'yun kapag tag-ulan.

-Friday-
Medyo badtrip ang first friday of August ko. Kung ano man 'yun, ako na lang ang nakaaalam.

-Saturday-
Undecided ako kung san ako pupunta, sa review ba o sa seminar? Syempre pinili ko sa seminar umattend, interesting kasi ang speaker. Sa review ba hindi? Bakit kasi kaylangang isabay ang schedule ng seminar sa review? Sayang lang ibabayad ko dun, wala akong natututunan.

-Sunday-
Nawawala ang aking reference book. Pano ako makagagawa ng lesson plans? Kung sino mang makakakita, ipagbigay alam lang sakin. Ito po ung title," Geometry by De Leon, Dilao at Bernabe." Salamat.

No comments: