Wednesday, July 16, 2008

May Pagbabago Din

Nung lunes,sumakay ako ng bus at nakarating sa'king patutunguhan
nang nakatayo.Balak kasing punuin ang bus ng sangkaterbang
pasahero.Kulang na lang 'yung driver ang pababain para makapagdagdag pa ng isang pasahero.
Sabi sa isang commercial ng sabong panlaba,"Mahirap ang buhay
'pag walang hinahawakan."
Pero sa totoong buhay,"Mahirap
sumakay sa bus 'pag walang uupuan."
Bago pa tuluyang masira ang
araw ko, I tried to be cool kasi sa skul naman mag-iinit na ulo ko.

Martes na, ganun pa rin.Walang nagbago, di naman bumaba ang pamasahe,di naman tumino ang mga studyante,kaya wala pa ring magandang pagbabago. Maliban sa medyo nakatulog ako nang maaga.

Ngayong myerkules, di ko alam kung maganda ba ang nangyari
sa araw ko.Di naman sa natutuwa ako na bumaha at nasuspend ang
klase na kahit late na rin naman, pero ngayon nakapag-online naman
ako at nakapag-blog pa.

At bukas, sana walang pasok....Di naman masamang mag-wish,alam ko namang di magkakatotoo yan.

No comments: