Tuesday, April 28, 2009

Paorder...paorder!

First time kung maexperience magwork. Medyo excited nung una, nagiging boring habang tumatagal. Siguro nakakapagod lang talaga. Nag-eenjoy naman ako kahit papano. Kasi laging my break:) Hindi kagaya nung college, wala nun. Straight kasi sched ko nun kaya ganun.

Laging gabi na akong nakakauwi galing sa work. Ang tagal kasi bago ako makasakay. Kelan kasi ako magkakakotse?:) Pag hindi fx, sa jeep ako sumasakay. Nakakainip! Sa tinagal-tagal ng aking paghihintay, sa jeep ako nakasakay.

Hindi biro ang halos isang oras na nakasakay ako sa jeep na yun. Na-familiarized na nga ako sa itsura ng mga pasahero. Minsan pa, ako na lang naiiwang pasahero. At minsan rin, ako lang babae. Sayang naman ang bayad ko kung bababa pa'ko.

Isang gabi, inaantok na talaga ako. Medyo malayo pa naman ang byahe ko. Karaniwan nang maririning mo ang mga salitang "para po," "manong sa tabi lang," "sa kanto lang po,"etc.

Sa mahabang oras ng trabaho, di ko maiwasang hindi magutom. Siguro ganun rin ang feeling ng mga kasama kong pasahero sa jeep na iyon. Kaya hindi ko masisisi nang nagsalita yung mamang katapat ko, "Dalawang KFC nga," sabay abot ng kanyang pera. Hays..gusto ko ring umorder.( HAHAHA, corny.)

No comments: